Quantcast
Channel: Life Style – Ako Ay Pilipino
Viewing all 125 articles
Browse latest View live

Overweight ka ba at nais mabawasan ang timbang para sa nalalapit na tag-init?

$
0
0

Narito ang ilang tips para mabawasan ang timbang! 

 

 

1. Uminom ng maraming tubig. Madalas raw na inaakala ng isang tao na gutom ang nararamdaman imbes na pagkauhaw lamang. Kaya sa susunod na makaramdam ka ng ‘gutom’, magdalawang isip muna. Baka nga nauuhaw ka lang. Uminom ka muna ng tubig. May mga ekspertong humihikayat na uminom ng tubig o iced tea bago umupo para kumain. Ipagpatuloy ang paginom habag kumakain para makaramdam ng pagkapuno.

2. Magtakda ng makatotohanang layunin o goals.  Ang pagbabawas ng timbang na mula 1-2 pounds (kalahati hanggang 1 kilo) sa isang linggo ay mas makatotohanang maabot ng marami. Ang mga bihasa sa pagbabawas ng timbang ay nagmumungkahi na itigil ito pag naabot na ng 10 pounds ang ibinawas at ang pag maintain nitong timbang hanggang anim na buwan bago magsimula muli.

3. Huwag ipagkait ang sarili. Hindi raw makakasira sa planong pagbabawas ng timbang kung hayaan ang sariling kumain ng husto at masarap ng 2 beses sa total na 21 beses na pagkain (2 out of 21 meals) para hindi maisip na deprived o kinakawawa ang sarili.

4. Magbilang ng hanggang 10. May mga pag-aaral nang ginawa na nagtakda na ang pakiramdam ng pagnanasang kumain (food cravings) ay umaabot lamang ng hanggang 10 minuto. Kaya bago pa sumandok o ma ‘ambush’ ang refrigerator, magbilang muna ng hanggang 10 minuto at gamitin ang panahon para gumawa ng ibang bagay para saglit na makalayo sa kusina at malayo ang atensyon sa pagkain.

5. Kumain ng mas madalas. Ang mga taong matagumpay na magbawas ng timbang sa loob ng ilang taon ay iyong mga kumakain ng hanggang limang beses sa isang araw. Ang pagkain ng paunti-unti at mas madalas ay nakakatulong sa pag-kontrol ng appetite, magbigay lakas, magpaganda ng disposisyon, pagpapabilis ng metabolism at pagbawas ng calories sa paraan ng digestion.

6.  Gumawa ng lingguhang resolutions. Ang hirap sa mga New Year’s resolution ay ang pagpupursiging pilit makamit ang maraming pagbabago agad-agad. Kapag marami kang gustong baguhin sa pagdidiyeta, mas malaki ang tsansa na ikaw ay ma-frustrate at sumuko agad. Gumawa lamang ng mga magaang resolusyon tulad ng pagkain ng isang prutas araw-araw sa loob ng isang linggo.

7. Magsimula sa 10%. Ang mga taong naka focus lamang sa pagkamit ng sampung porsiyento ng target na ibabawas na timbang ay may mas malaking tsansa na makamit ang pangmatagalang layunin. Kumbaga, hinay-hinay lang. Ang pagbawas ng unang mga pounds ay importante sapagka’t kadalasan ito yung mga belly fats na siyang delikado. 

8. Gumamit ng healthy substitutes sa pagkain. Maaring gumamit ng ibang pampalasa tulad ng salsa imbes na mayonnaise na mataas ang fat content. Puwedeng haluan ito ng low-fat yogurt para makagawa ng tuna salad o di kaya ay pang vegetable burger o puwedeng isabay sa manok at isda.

9. Magbawas ng kinakain (1/3 Off): Pag ikaw ay kakain sa labas, pigilin ang pagnanais na maubos ang lahat sa isang kainan. Maari mong itabi ang ikatlong porsyon at ipa-take out at kainin o baunin kinabukasan. Maaari rin itong gawing pamantayan sa bahay – ang pagbawas ng 1/3 sa nakasanayang dami ng kinakain.

10. Hinay-hinay sa alak o alcohol. Ang alcohol sa alak ay pinagmumulan ng maraming calories. May 150 calories sa isang 12-ounce na beer, 85 calories sa 3.5-ounce na baso ng vino, at mas marami sa mga mixed alcoholic drinks na tinatayang katumbas na rin ng pag kain ng dessert o minatamis. Tandaan: kung gustong magbawas ng timbang, patubig-tubig na lang muna.

11. Gumawa ng reminder notes para sa sarili. Idikit ito sa refrigerator o sa mga pagkain sa pantry na magpapaalala sa iyo kung sulit nga bang kainin ang isang bagay kung ang kalalabasan naman nito ay dagdag timbang.

12. Iwasan ang soda. Maraming calories ang mga soft drinks. Tubig na lang o unsweetened juice o tea.

13. Huwag lang basta kumain, kumain ng maayos. Ang pagkain ng on-the-run o kaya’y habang nanonood ng telebisyon ay hindi tama. Mas narararapat ang pag upo ng tama sa hapag kainan at dahan-dahang ngumuya at lasapin ang linamnam ng kinakain. Pag kumakain ng tsitsirya o chips, mas mainam na nilalagay ito sa isang platito para focused ang pag kain at di maubos ang isang bag.

14. Damihan ng kaunti ang protina. Pinakita ng ilang research na mas may pakiramdam ng pagkabusog ang kumain ng mas maraming protina kesa carbohydrates. At mas maraming calories ang kelangan para matunaw ang protina. Mas mainam kung ang protinang napiling kainin ay low-fat din.

15. Magsukat. Maraming nagkakamali sa di tamang pagsukat kaya mas marami ang nakokunsumo. Gamitin ang mga instrumentong panukat para sa mga salad dressings, dairy products, mayonnaise, atbp.

16. Maghanap ng tamang alternatibo sa pagkain o paghanda ng pagkain. Subukan ang pagkain ng masustansyang prutas kapalit ng candy o tsokolate. Magluto ng popcorn sa microwave imbes na niluluto sa mantika o butter.

17. Magplano pag pupunta ng isang party. Kung ikaw ay naimbita sa party at iniiwasan mong kumain ng marami o matukso sa mga putaheng handa, puwede kang magdala ng kakaining angkop sa iyo.

18. Manatilihing positive. Ang mababang pagtingin sa sarili o low self-esteem ay napatunayang malaking dahilan sa pagkain ng marami o overeating. Kaya mas makakatulong ang pag focus sa mga magaganda mong katangian kesa sa mga negatibo. Maari kang bumili ng bagong kasuotan na bagay sa iyong edad at timbang o subukan ang panibagong hair style o panibagong make-up para gumanda ang aura o confidence level.

19. Huwag masyadong pahirapan ang sarili. Ang lahat ng tao ay nagkakamali at walang nagsasabing hindi ka dapat magkamali sa plano mong pagbawas ng timbang. Sabihin sa sarili na kaya mong abutin ang hangad na timbang at agad na bumangon kung ikaw ay napadulas. Kung ikaw ay kumain ng labis sa isang gabi, huwag pahirapan ang sarili. Magsimulang muli agad sa tinakdang layunin kinabukasan.

20. Mag relax: May mga taong napapalakas ang kain kapag stressed. Napag-alaman ng mga pananaliksik sa Yale University na ang mga kababaihang mataas ang cortisol – isang hormone na nilalabas ng katawan tuwing mataas ang stress – ay kumakain ng high fat foods. Ang cortisol at insulin level ay ang kombinasyong nagsasabi sa katawan na magtabi ng maraming fats sa akalang ang katawan ay makakaranas ng pagkagutom. Kaya, iwasan ang stress at mag exercise, mag meditate o magdasal, mag yoga o iba pang bagay na nakakapagbigay ginhawa.

Good luck!

 

Gabay Kalusugan Handog ng FNA-Rome

Loralaine R.

Reference: Reader’s Digest (www.rd.com)

Ang aming inilalathala ay sadyang gabay lamang. Importante pa rin ang pagsadya sa doktor o espesyalista na maaari pang magbigay ng iba pang mga tagubilin ayon sa mga pangangailangan ng pasyente. Sila rin ang makakapagbigay-linaw kung mayroon pa kayong mga katanungan o pag-aalala tungkol sa inyong kalusugan.

 

L'articolo Overweight ka ba at nais mabawasan ang timbang para sa nalalapit na tag-init? sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.


Ano ang Semana Santa?

$
0
0

Ito ang panahon ng ating paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Panahon din ito ng pagdarasal, pagsasakripisyo at pagbabago. Panahon ng pagsisisi sa mga nagawang kasalanan, at panahon ng pagwawasto sa ating mga pagkakamali.

 

 

Ang Semana Santa ay ang panahon sa pagitan ng Linggo ng Palaspas at Linggo ng Pagkabuhay. Nakapaloob sa Semana Santa ang Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria.

Tuwing Linggo Ng Palaspas o Palm Sunday ay ginugunita natin ang pagdating ng Panginoon sa Herusalem. Nagsisimba ang mga tao nang may hawak na palaspas na gawa sa puno ng palma o palm tree na karaniwang kinakabitan ng mga imahe o litrato ni Jesus o ni Maria. Winawagayway ito at binabasbasan naman ng pari sa Banal na Misa. Kadalasan ito ay isinasabit sa harapan ng mga pintuan at nananatili doon hanggang sa mabulok ang mga dahon nito. Pinaniniwalaang tinataboy nito ang masasamang espiritu. Isang kaugalian na ginagawa rin sa Roma ng maraming mga Pilipino ngunit sa loob ng bahay na ito isinasabit.

Tuwing Huwebes Santo o Maundy Thursday naman ang pag-aalala sa Huling Hapunan ni Jesus kasama ng labindalawang Apostoles. Kung nagsisimba sa araw na ito, malalamang dito rin inaalala ang paghuhugas at paghahalik ni Jesus sa paa ng Kanyang mga Apostoles. Ginagawa rin mismo ng mga pari sa Banal na Misa ang paghuhugas at paghahalik sa paa. 

Tuwing Maundy Thursday rin ay ginagawa ang tinatawag na Visita Iglesia o pagbibisita sa mga simbahan. Bilang Katoliko, nakaugalian nating mga Pilipino ang pagbi-Visita Iglesia sa pitong simbahan pero may iba naman na ginagawang labing-apat ito, katulad ng bilang ng “Stations of the Cross”, isang istasyon sa bawat isa sa labing-apat na simbahan. 

Isang bagay na hindi mahirap gawin sa Roma, dahil sa bawat kanto dito ay mayroong simbahan. Nakakatuwang pagmasdan dahil habang nagbi-vigil ang mga Italians sa mga simbahan, tayong Pinoy naman ay palipat-lipat ng simbahan.

Kapag Biyernes Santo o Good Friday naman ay inaalala ang pagkamatay ni Jesus. Sa Pilipinas ay kadalasang makakakita ng mga namamanata at nagpepenitensiya, hinahampas at pinapahampas ang mga likod hanggang sa magdugo ito. ‘Yung iba naman ay nagpapapako sa krus. Karaniwang makikita sa mga probinsiya, lalo na sa Bulacan at Pampanga. Wala din ibang programa sa telebisyon kundi ang Siete Palabras o Seven Last Words. Mga bagay na di masasaksihan ng mga kabataan natin dito lumalaki sa Roma. 

Sa araw ding ito, noong araw, ay ipinagbabawal ang mag-ingay, tulad ng pagkanta, pagsasayaw at paglalaro. At sa mga nakaka-alala pa, ipinagbabawal rin ang maligo…

Sa Easter Sunday naman ginugunita ang muling pagkabuhay ni Jesus. Ang Pasko ng Muling Pagkabuhay kung ito ay tawagin at sinisimulan sa ‘Salubong’ sa madaling araw, ang prususyon ng nakatakip ang mukha ni Blessed Virgin Mary at sinasalubong ang imahen ng Kristong nabuhay. 

Pero para sa maraming mga, panahon ito ng madugong paghahanapan sa mga itlog o Easter eggs. Sa loob ng mga plastik na lalagyan na hugis itlog at may iba’t-ibang kulay ay naglalagay ng candies at chocolates, at kung minsan ay may pera pa ito. Siyempre, mga bata lang ang kasali. Pero minsan talaga eh hindi maiiwasang makisali ang mga “isip bata”. Dito naman sa Italya ay ang pagtanggap ng Uova di Pasqua ang pinahihintay ng mga bata. Ito ay ang hugis itlog na tsokolate, iba’t iba ang laki at may iba’t ibang ‘sorpresa’ sa loob nito.

Bukod pa sa mga nabanggit, napakarami pang mga kaganapan tuwing Holy Week lang nangyayari. Pangkaraniwan rin ang pagpepenitensya tuwing sasapit ang Semana Santa, tulad ng hindi pagkain ng karne o ang tinatawag na fasting. Itinuturo rin ang pagsa-sakripisyo o ang paghinto sa mga paboritong gawain. 

Marami pang mga pangyayari tuwing Semana Santa ang hinahanap-hanap ng mga Pilipino sa Italya na maiku-kwento na lamang sa mga anak tulad ng pabasa, ang mga pinapanood sa kalye na pilitensya, ang prosusyon pag Biyernes Santo. 

Ngunit lagging tandaan na ang Semana Santa ay hindi lang panahon ng pamamasyal at paghahanap sa mga nakatagong itlog. Ngunit higit sa lahat  ito ay panahon ng paggunita at pagninilay-nilay din sa mga sakripisyo ni Jesus upang tayo ay mailigtas sa mga kasalanan. At ito ang tunay na diwa ng Semana Santa na nawa ay isapuso ng lahat. Ang Kanyang muling pagkabuhay ay nagdadala ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at isang bagong pananampalataya tungo sa panibagong pamumuhay!!

 

L'articolo Ano ang Semana Santa? sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Mga bagay na hindi dapat ilagay sa social network account para sa sariling safety and security

$
0
0

Ang muling makita at magkaroon ng komunikasyon sa mga mahal sa buhay, kamag-anak, kaibigan, kababata makalipas ang mahabang panahon ay isa sa positibong dulot ng social media accounts,  partikular sa Facebook na pinakatanyag sa mga Pilipino. Anuman ang edad ng mga Pinoy ay masayang nagpo-post ng mga selfies at patuloy ang paga-update ng status. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, mayroong mga bagay na hindi dapat inilalagay sa social network for safety and security ng sarili at ng buong pamilya. Kaya’t payo ang maging maingat at upang mapanatili ang privacy, mayroong ilang bagay na dapat i-delete sa ating mga profiles…..

  • Birthday

Bahagi ng mahahalagang sariling impormasyon ang petsa ng kaarawan, katulad ng buong pangalan at address. Ang simpleng datos na ito ay maaaring magbigay access sa ibang personal datas hanggang sa bank account. At pag nakuha na ang mga ito ay maaaring manakaw ang iyung identity at gamitin sa panloloko ang iyong pagkatao.

  • Telephone number

Madaling makuha ng ibang tao ang telephone number kung ito ay nakalagay sa social network. Bagay na pabor na pabor sa mga stalker upang ikaw ay matawagan at masubaybayan.

  • Ilan sa iyong mga Friends

Kilala mo bang talaga ang mga nasa friends list mo? Kaibigan mo ba silang talaga? Ayon sa isang pag-aaral, ang pagkakaroon ng 4-digit number of friends ay hindi advisable dahil halos 150 lamang ang kayang i-maintain ng isang tao upang magkaroon ng mahusay na relasyon. Ang mas madami umano sa bilang na ito ay mahirap na ding matandaan lahat.

  • Larawan ng anak o ng menor de edad na ka-pamilya

Tunay namang nagdudulot ng tuwa ang larawan ng mga bata, kaya’t talaga namang marami ang naiingganya na mag-post sa social network. Ngunit dahil napakalawak ng mundo ng internet, hindi mo masisiguro ang audience nito. Marami ang nagkalat na pedophiles o child pornographers sa net, kung kaya’t ang pagpo post ng mga larawan ng mga menor de edad na naliligo o nakahubad, bukod pa sa buong pangalan at petsa ng kaarawan at pagta-tag ng lugar kung sila ay nasaan ay maaaring gamitin ng masasamang loob. Tandaan, na walang batas ukol sa pagre-repost ng picture ng anak ng iba sa facebook.

  • Paaralan at address kung saan pumapasok ang anak

Madaling mapuntahan ninuman ang inyong mga anak kung ito ay nakalagay sa social network.

 

 

L'articolo Mga bagay na hindi dapat ilagay sa social network account para sa sariling safety and security sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Tips Iwas Problema o Abala sa panahon ng mahigpit na kontrol sa mga dayuhan sa Italya

$
0
0

Sa panahon ng mahigpit na kontrol sa mga dayuhan sa Italya, narito ang ilang tips upang maiwasan ang problema, ang abala sa trabaho at maging matiwasay ang panananatili sa bansa.

Mahalagang alam ang mga Karapatan at Tungkulin. Pag-aralan ang mga batas sa Migrasyon o magtanong sa awtoridad, mga abogado at ilang nakaka-alam ng batas. Kung mahirap at kakain ito ng panahon, narito ang ilang simpleng pamamaraan.

  1. Palagiang magdala ng balidong dokumento tulad ng Carta/Permesso di Soggiorno, Carta Identita at iba pang kinikilalang ID ng Italian Authority;
  2. Iwasang masangkot ang sarili sa krimen, sa kaguluhan, anumang uri ng panloloko, pangangalakal ng droga at mga anti-sosyal na aktibidad;
  3. Tiyakin na nakapagbabayad ng buwis o ang tinatawag na dichiarazione dei redditi (730 o modello unico). Bukod sa pagtitiyak na binabayaran ka sa INPS ng iyong employer;
  4. Huwag magmamaneho na lango sa alak, baka ma-kontrol at mabigyan ng parusa ( house arrests) bukod sa multa; Siguraduhin din ang pagkakaroon ng balidong driver’s license.
  5. Siguraduhin na palaging nasa ayos o updated ang mga dokumento. Hindi lamang sa panahon na uuwi ng Pilipinas o mamamasyal sa ibang bansa. Lalong higit ang mga tala (rekord/papeles) ng mga anak na menor de edad;
  6. Sikapin na matutunan ang lengwahe ng Host Country at maka-angkop (integrate) sa kanilang kultura na sinasaad sa Accordo di Integrazione bilang rekisitos para manatili ng 16 na puntos na sinasaad sa kasunduan;
  7. Iwasan na mag-iinom, lumikha ng ingay sa mga pampublikong lugar at sasakyan tulad ng piazza, tren, bus,ristorante, barko na maaring pagsimulan ng kaso;
  8. Iwasang sumakay ng public transportation na walang angkop na tiket o biglietto. Ang pagamit ng wastong tiket ay isang obligasyong ng lahat ng gumagamit ng transportasyong publiko.
  9. Maging magalang kapag may kontrol. Ipakita ang dokumento at sumagot ng kalmado. Anumang dokumento ay dapat ibalik pagkatapos ng pagsisiyasat na ginawa ng awtoridad;
  10. Huwag basta maniwala sa mga tao na nangangako na mabibigyan ng dokumento kapalit ng malaking halaga. Magbasa ng mga opisyal na pahayag hinggil sa amnestiya or sponsorship. May kasabihan, “ang naglalakad ng matukin kung matinik ay malalim”.
  11. Iwasan maniwala ng basta-basta sa sabi-sabi o kuro-kuro kung wala naman pinagbabatayan. Ang karanasan ni Kulaso ay maaring iba ng kay Kulasa. Sumangguni sa mga official site ng mga Departamento ng Gobyerno ng Italya at Pilipinas maging sa mga mga opisyal na pahayagan kung saan inilalathala ang kanilang mga anunsyo;
  12. Magbasa palagi ng Ako ay Pilipino, dumalo sa mga Forum, Symposium, Seminar na ipinapatawag ng mga rehistradong organisasyon. Makinig, mag-aral at magsuri.

Sa panahon na naghihigpit ang Gobyerno ng Italya sa lahat ng estranghero, mangagawa man o turista; ngayon na ang teknolohiya ay mabisang instrumento sa pagsubaybay sa galaw at dokumentasyon ng mga dayuhan.. HUWAG ipagwalang bahala ang mga bagay na importante.

Tandaan, lahat ng kabulastugan at/o pagpapabaya ay may paniningil rin sa takdang panahon.

 

Ibarra Banaag

 

 

L'articolo Tips Iwas Problema o Abala sa panahon ng mahigpit na kontrol sa mga dayuhan sa Italya sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Pagkakatatag sa Italian Republic, ginugunita tuwing June 2

$
0
0

Ang Festa della Repubblica o ang tinatawag na Republic Day ay ang Italian National Day, na ipinagdidiwang tuwing ika-2 ng Hunyo taun-taon.

Sa araw na ito ay ginugunita ang institutional referendum na ginawa sa pamamagitan ng universal suffrage noong 1946 kung saan ang mga Italians, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ng Pagbagsak ng Pasismo ay bumoto upang pumili ng uri ng pamahalaan.

Umabot sa 12,717,923 ang kabuuang boto para sa Republika at 10,719,284 naman ang boto para sa Monarkiya, at ang mga inapong kalalakihan ng Savoy ay pinatalsik. Ito ang simula ng pagkakatatag sa Italian Republic.

Sa paggunita nito, isang malaking militar parade ang ginagawa sa sentro ng Roma, pinamumunuan ng Pangulo ng Republika ng Italya bilang pinakamataas na posisyon ng Hukbong Sandatahan. Ang Punong Ministro, na kilala bilang Pangulo ng Konseho ng mga Ministro at iba pang mataas na opisyal ng estado ay dumadalo din. Mayroong mahalagang pagdiriwang sa lahat ng mga Italian embassies at ang mga banyagang pinuno ng mga estado ay inaanyayahan. Kahit na ang pangunahing parada ay ginagawa sa Roma, marami lungsod sa Italya ang nagdiriwang din.

Bago ang pagkakatatag sa Republika, ang Pambansang Araw ng Italya ay ang unang Linggo ng Hunyo, ang anibersaryo ng paggawad ng Statuto Albertino. Hanggang 1977 ito ay ang petsa ng pagdiriwang para sa pagkakatatag ng Republika noong 1948. Ang petsang Hunyo 2 ay naging opisyal noong 2000.

 

L'articolo Pagkakatatag sa Italian Republic, ginugunita tuwing June 2 sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Balik-tanaw sa unang Araw ng Kalayaan!

$
0
0

Kaugnay ng ika-120 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong araw na ito, na ipinagdiriwang ng bawat Pilipino sa bawat sulok ng mundo, ay mahalagang gunitain ang makasaysayang kaganapan noong 1898.

Ang makasaysayang pagpapahayag ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay naganap noong Hunyo 12, 1898 kung kailan idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pagsasarili ng Pilipinas hinggil sa pananakop ng Espanya matapos itong magapi sa naganap na Sagupaan sa Manila Bay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika.

Samantalang ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo, ang sinasabing tunay na kalayaan ay kinilala lamang ng bansang Amerika noong ika-4 ng Hulyo, 1946. Magmula noon, ang Araw ng Kalayaan ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 4, alang-alang sa nasyonalismo o pagkamakabansa at ayon na rin sa sangguni ng mga mananalaysay.

Ang Republic Act.No. 4166 ay nilagdaan upang maging batas ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964. Isinasaad sa nasabing batas na ang petsang Hunyo 12, ay kinikilala bilang Araw ng Watawat at siya ring Araw ng Kalayaan.

Ang deklarasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng paghahayag sa gitna ng pulutong ng mga tao noong Hunyo 12, 1898 sa pagitan ng alas kuwatro at alas singko ng hapon. Ginanap ang makasaysayang kaganapan sa ansestral na tahanan ni Pangulong Emilio Aguinaldo sa Caviete el Viejo (na ngayon ay Kawit, Cavite) tatlumpung kilometro sa katimugan ng Manila. Isa sa naging tampok na pangyayari ay ang paglaladlad sa Pambansang Watawat ng Pilipinas na ginawa sa Hongkong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza at ang pagtatanghal ng Marcha Filipina Magdalo, ang tinaguriang pambansang awit ng Pilipinas na ngayon ay naging Lupang Hinirang, na isinulat ni Julian Felipe at tinugtog ng San Francisco de Malabon Marching band.

Pinangunahan ni Emilio Aguinaldo ang pormal na proklamasyon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Siyamnapu at walong tao ang lumagda sa naturang proklamasyon kabilang na ang isang opisyal na amerikano, si L.M.Johnson.

Kilala bilang Acta de la proclamacion de independencia del pueblo Filipino, ang proklamasyon ng Araw ng Kalayaan ay ginawan ng balangkas at binasa sa naturang pagdiriwang ni Ambrosio Rianzares Bautista. Isinasaad sa Acta na ang Pilipinas ay malaya na mula sa pang-aalipin ng Espanya. Ang bansang Espanya ay dumating sa Pilipinas noong 1521 at itinuring ang Pilipinas na lupang kanyang nasasakupan sa loob halos ng apat na siglo.

 

L'articolo Balik-tanaw sa unang Araw ng Kalayaan! sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Travel Tips ngayong Summer vacation

$
0
0

Para sa isang maayos, masaya at siguradong hindi malilimutang bakasyon, narito ang ilang travel tips.

Ang summer ay kadalasang panahon ng pagrerelaks. Ito ay panahon ng bakasyon sa paaralan kaya naman marami ang pumupunta sa iba’t ibang lugar mapa-lokal man o internasyonal.

Para sa isang maayos, masaya at siguradong hindi malilimutang bakasyon, narito ang ilang travel tips:

  1. Tiyaking nasa magandang kundisyon ang katawan bago umalis. Upang makasiguro ay magpatingin sa sariling doktor o espesyalista at humingi ng ilang rekomendasyon na nararapat para sa ating katawan.
  2. Huwag kalimutang magdala ng first aid kit na nagtataglay ng disinfectant, band-aid, thermometer etc at gamot (medicine) para sa sakit ng tiyan, ulo, lagnat o anumang paracetamol.
  3. Kung ikaw ay aalis ng bansa, tiyaking kumpleto ang lahat ng dokumento tulad ng pasaporte at ibang identity cards.
  4. Siguraduhin ang coverage ng sariling health insurance upang makakuha nito kung kinakailangan.
  5. Alamin ang address at numero ng local government ng bansang pupuntahan, pati na rin ang mga detalye ng Philippine embassy sa bansang pupuntahan.
  6. Pag-aralan at alamin ang kultura ng lugar na pupuntahan upang makapaghanda ng mga dapat at hindi dapat gawin habang nasa lugar o bansang napili.
  7. Huwag ikahiya ang magtanong kung kinakailangan at kapag hindi sigurado sa isang lugar. Laging tandaan na maging alerto sa lahat ng oras at huwag magtitiwala nang basta sa hindi kilala.
  8. Magbibit palagi ng tubig at ugaliin ang paginom nito upang mapanatili ang balance ng body fluids. Magdala rin ng snacks gaya ng tinapay at iba’t ibang prutas kung sakaling magugutom sa biyahe.
  9. Maglagay ng sunscreen sa balat at magdala ng sombrero (o payong) upang makaiwas sa direktang sikat ng araw.
  10. Magdala at gumamit ng mosquito repellant upang maiwasan ang anumang sakit na makukuha mula sa mga lamok tulad ng dengue, malaria, at iba pa.
  11. Magbitbit ng sapat na kagamitan at iwasan ang magdala ng marami kung hindi naman kinakailangan.
  12. Maaaring lagyan ng kandado ang mga bagahe para makaiwas sa mga magnanakaw.
  13. Iwasang mag-post sa social network na magbabakasyon sa malayong lugar. Delikado ito kung walang taong bahay na maiiwan sa bahay ng ilang linggo. Ikandado ng mabuti ang bahay.

L'articolo Travel Tips ngayong Summer vacation sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Maling diskarte ng mga Ofws sa pera, narito ang ilan

$
0
0

Walang dudang ang mga Pilipino ay ganap na masipag at mapagkakatiwalaan saan mang panig ng mundo magpunta. Ngunit pagdating sa paghawak ng perang pinaghirapan, lalo na ang mga ofws, ay mayroong mga maling diskarte na dapat itama. Kabayan, tabi-tabi po…..

Narito ang ilan:

  1. Sobrang maalalahanin at mapag-bigay sa kapwa, lalo na sa pamilya at mga kamag-anak – Likas ang katangiang ito ng mga Pilipino. Kaya naman pagdating sa abroad, ang mga ofws ay bitbit pa rin ang kaugaliang ito na kadalasan ay nasosobrahan. Sa kagustuhang iparamdam ang pagmamahal at ibigay ang lahat-lahat sa kanila ay nagiging galante sa pamilya at mga mahal sa buhay. Labis-labis ang ipinapadala, mapa-pera man o balikbayan boxes. Dahil dito ay nakakaligtaan ang magtabi at maglaan kahit kaunti sa pansariling pangangailangan. Kabayan, hindi ka bata at malakas habambuhay. Kaya napaka-importante pa rin na maglaan ng “Retirement Fund” at pag-ipunan ito upang sa panahon na pagreretiro, ay mayroon pa ring pang-suporta sa sarili at mga mahal sa buhay.
  2. 1Day Millionaire – Maraming ofws ang tinatawag na 1-Day Millionaire o sa tagalog ‘Ubos-ubos biyaya bukas nakatunganga’. Nadadala ng emosyon o pagkasabik sa mga bagay na gustong bilhin, marahil sa kahirapang dinaanan ay nais namang makatamo ng karangyaan. Ngunit ang karaniwang resulta nito ay ang labis na paggasta sa mga bagay na hindi naman talaga kinakailangan at ang kawalan ng perang naitatabi para sa pag-iimpok o pag-iinvest.
  3. Mahilig Sumabay Sa Uso – Malakas ang tawag ng komersyo at nakaka-akit ang mabilis na pag-usad ng teknolohiya. Ang mga mamamahaling bag at naggagandahang gadgets tulad ng smartphones at mga digital SLR cameras sa panahon ngayon ay madaling maluma, bumaba ang halaga at magkaroon ng bagong modelo. At samakatwid, can’t afford na, go pa rin, ‘upgrade’ ika nga.. kaya naman nakakalimutan nang planuhin ang magandang bukas ng sarili at pamilya. Mamuhay ng simple at matutong makuntento pagdating sa mga materyal na bagay.
  4. Hilig sa Pahulugan – Kung saan man may grupo ng mga Pinoy ay hindi nawawala ang pahulugan. Ang masaklap, may loan sa ‘Compas’, may pahulugan sa community, may binabayarang a rate a settepiu, ay patuloy pa rin na hindi matanggihan ang tuksong hatid nito. Resulta, kulang pa ang sahod sa dami ng dapat bayaran at nababaon sa utang!
  5. Walang Savings – Noong naghahanap ng trabaho, iisa lamang ang nais sa buhay: ang makapag-ipon upang magkaroon ng sariling bahay, mapag-aral ang mga anak, magkaroon ng isang negosyo. Ngunit nang magsimula ng magtrabaho, ang ilan ay nakakalimot sa kanilang mga pangarap. Nang maranasang kumita ng malaki, ang nasa isip ay kung paano ito gagastusin sa halip na kung paano mag-iimpok. Ayos lang na bumili ng mga bagay na gusto at makakapag-pasaya sa sarili, nguit huwag kalimutan ang dahilan kung bakit nasa ibang bayan. Ito ay upang sa pagdating ng panahon ay maramdaman ang bunga ng pinaghirapan.

 

PGA

 

L'articolo Maling diskarte ng mga Ofws sa pera, narito ang ilan sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.


Mahilig ka bang uminom ng kape?

$
0
0

Mahilig ka bang uminim ng kape? Alam mo bang ang malakas sa konsumo nito ay nagdudulot ng hindi kanais-nais na mga sintomas?

Tunay na maraming benepisyong nakukuha sa regular na pag-inom ng kape. Kabilang na dito ang mga:

  • nakakapagpasigla ito ng sistema ng utak (Central Nervous System);
  • malaking tulong para maging alerto at gising sa buong araw;
  • nakapagpapabuti ng memorya at kaisipan ng tao;
  • napapabilis ang pag-iisip at napapabuti ang memorya ng mga matatanda.

Ayon sa mga dalubhasa, ang katamtamang konsumo ng kape ay nasa 200 hanggang 300 milligrams. Ito ay mga dalawa hanggang apat na tasa at ito ay hindi nakakaapekto sa kalusugan.

Samantala, maituturing na malakas sa konsumo nito kung ito ay aabot mula sa 400 milligrams o mga apat na tasa pataas, at ito ay nagdudulot ng hindi kanais-nais na mga sintomas tulad ng mga sumusunod:

  • Insomnia o kahirapan sa o kakulangan ng tulog;
  • Nerbiyos;
  • Pagkabagabag;
  • Pagkairita;
  • Pangangasim ng sikmura o gastroenteritis;
  • Mabilis na pagtibok ng puso;
  • Pangangatog ng kalamnan o muscle tremors;
  • Depression;
  • Nausea o pagkaduwal;
  • Madalas na pag-ihi;
  • Pagsusuka.

Caffeine

Ang caffeine o kapeina ay mapait at nagmumula ito sa ilang mga halaman. Karaniwang matatagpuan ito sa maraming inumin na tulad ng kape, tsaa, softdrinks o soda, cacao o tsokolate, kola nuts at ilang mga gamot na kung tawagin ay stimulants. Nakapagdudulot ang kapeina ng karagdagang enerhiya at pansamantalang tulong sa pagiging alerto.

Salungat sa palasak na paniniwala na hindi kayang labanan o tanggalin ng kapeina ang epekto ng alkohol. Hindi nakakawala ng kalasingan ang pag-inom ng black coffee. Ang kapeina ay maaaring gamitin bilang pansamantalang lunas sa pagkahapo at antok.

Walang nutrisyon na makukuha sa kapeina at hindi nakadaragdag sa mabuting kalusugan.

Iba pang dulot ng kapeina sa katawan:

  • Nakapagpapaalis ng sakit ng ulo kapag kasama sa gamot na tulad ng aspirin at acetaminophen;
  • Pangunang lunas sa hika kung walang gamot;
  • Ginagamit din para sa sakit sa apdo, ADHD, kahirapan sa paghinga ng mga bagong panganak na sanggol, at mababang presyon ng dugo;
  • Pagpapababa ng timbang at diabetes mellitus 2;
  • Ginagamit na legal na stimulant ng mga atleta. Kadalasan ay sa kombinasyon na magkasamang ephedrine;
  • Maaaring ihalo sa kremang pampahid sa balat upang mabawasan ang pamumula at pangangati na dulot ng dermatitis;
  • Minsanang sinasama sa iniksyon para sa sakit ng ulo pagkatapos ng epidural anesthesia, kahirapan huminga ng mga bagong panganak na sanggol, at pampalakas ng pag-ihi.

Ang bisa ng kapeina ay madaling makuha ng katawan at pumupunta kaagad ito sa utak. Hindi ito naiipon sa dugo o naitatago ng katawan. Mabilis itong lumalabas ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi matapos ng ilang oras na ito’y inumin o makunsumo

Iwasan ang labis na pag-inom ng kapeina at hindi ito nagdudulot ng mabuti sa kalusugan o makapagdulot ng kamatayan. Ayon sa isang eksperto, na ang nakamamatay na dosis ng kapeina ay 10,000 milligrams na katumbas ng 100 tasa ng kape o 70 energy drinks.

 

 

L'articolo Mahilig ka bang uminom ng kape? sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

40 anyos at nais matanggal ang ‘bilbil’ sa tiyan, narito ang dapat gawin

$
0
0

Ang taba sa tiyan o bilbil ay isa sa mga problemang nais bigyan ng solusyon ng karamihan sa mga babae. Karaniwan, kahit bumaba na ang timbang ito ay nananatili at sumisira sa porma ng marami. Mayroong iba’t ibang paraan batay sa edad na maaaring pagpilian. Narito ang ilang tips upang ito ay matanggal mula 20 hanggang 50 anyos.

 

1) 20 anyos

Dahilan: “Sa edad na ito ay karaniwang under pressure sanhi ng unibersidad, lovelife o alalahin para sa kinabukasan. Dahil sa stress a tumataas ang cortisol, isang hormone na nagiging sanhi ng pag-iimbak ng taba sa tiyan o bilbil”, ayon kay Filippo Ongaro, ang scientific director ng Anti-aging Medicine Institute. Bukod dito, kung napapadalas ang iyong ‘appetizer’ ay karagdagang sanhi ng bilbil: “Ang alcoholic drinks ay nagbibigay ng 7 calories per gram, bukod pa dito ang mga finger foods na kasama nito”, dagdag pa nito.

Solusyon: Bawasan ang happy hour, carbonated drinks at mga snacks. Subukan ring maglaan ng 10 minuto para sa ‘meditation’ araw-araw: ito ay makakatulong mabawasan ang cortisol level sa iyong katawan at malabanan ang pagnanasang kumain ng madalas sanhi ng stress.

Ehersisyo: ”Subukan ang pre-boxing: makakatulong ito na i-release ang stress at matunaw ang mga taba”, ayon kay Jill Cooper, isang personal trainer. “Bukod dito, ay nakakatulong din na ma-tone up ang abs dahil upang maiwasan ang mga suntok ay pinapanatiling contract ito”.

2) 30 anyos

Dahilan: Kung kapapanganak pa lamang ay normal na mayroong bilbil. “Ang pagkakaroon ng do it yourself diet sa ganitong kaso ay hindi epektibo: sa karamihan ay iniiwasan ang carbohydrates at proteins higit sa mga gulay angunti ang tulad ng repolyo at broccoli ay sanhi ng panlalaki ng tiyan dahil mayaman sa fiber”, ayon kay Ongaro.

Solusyon: ‘‘Ihalo ang mga gulay na mayaman sa protein at kaunting cardohydrates upang mapakinabangan ang fibers na nagpapabagal sa absorption ng sugar at nagpapababa ng pagbabago ng blood glucose na nagbibigay ng gutom”, dagdag pa ng eksperto.

Ehersisyo:Epektibo ang elastic trampoline na tumutulong na mabawasan ang naimbak na taba sa tiyan at hips habang tumutulong ma tone up ang muscles, na hindi nagiging sanhi ng pagod ng cardiovascular system”, paliwanag pa ni Jill Cooper.

3) 40 taon

Dahilan: ”Ito ay ang edad kung kailan lumalabas ang problema sa teroydeo na nagiging sanhi ng pagbabago sa timbang at pagbagal ng metabolism”, paliwanag ni Filippo Ongaro. Bukod dito, habang papalapit sa menopause stage, ang hormonal balance ay nag-iiba: bumabagal ang pagtunaw ng katawan at mas mabilis ang tumaba.

Solusyon: ‘‘Kumain ng isda 3 hanggang 4 na beses sa isang linggo na mayaman sa yodo, ito ay mahalaga sa teroydeo. Mas mainam kung pipiliin ang mayamn sa omega-3, ang “good fats” ay mahusay sa puso at upang mapanatiling maganda ang mood sa eded na ito”, ayon kay Ongaro.

Ehersisyo: ”Piliin ang High intensity interval training ”, ayon kay Jill Cooper. ‘Samakatwid, i-alternate ang sprint, running, sprint, running etc. Sa ganitong paraan ay papayat at mato-tone up ang katawan. Bukod dito, ang patuloy na pagpapalit ng bilis at pagsusumikap ay nagpapabilis ng metabolismo at ito ay nananatili ng ilang oras kahit pagkatapos ng exercise.

4) 50 anyos

Dahilan: ”Ang pagtigil ng obulasyon at ng buwanang daloy ay nagpapatigil rin sa produksyon ng estrogen; gayunman, ay patuloy ang pagawa ng androgens, na tumutulong sa pagkakaroon ng taba sa tiyan. Bukod dito ang metabolismo ay bumabagal kahit na maingat sa pagkain ay hindi madaling mag burn ng calories.

Solusyon:Dalawa o tatlong beses sa isang linggo palitan ang animal protein ng soya based: tulad ng tokwa, gatas at mga fermented products tulad ng miso (sauce) o tempeh (isang uri ng vegetal steak). Nagtataglay ang mga ito ng isoflavones, na maaaring humadlang ang pagbaba ng estrogen”.

Ehersisyo:Pilates at isama rin ang iba’t ibang uri ng abdominal exercises” pagattapos ni Cooper.

L'articolo 40 anyos at nais matanggal ang ‘bilbil’ sa tiyan, narito ang dapat gawin sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Ano ang tinatawag na Todos los Santos? Paano ito ginugunita ng mga Pilipino?

$
0
0

Ang Todos los Santos ay isa ring pormulang Kristiyano na humuhingi ng tulong sa lahat ng santo at martir, kilala o hindi. Ang mga Pilipino ay ginugunita ito bilang  Araw ng mga PatayPista ng Patay, o Undas.

Ang kapistahan ng Todos los SantosAraw ng Lahat ng mga Santo o Araw ng mga Santo, tinatawag na All Saints’ DayAll Hallows o Hallowmas sa wikang Ingles (ang katagang “hallows” ay “santo” at ang “mass” ay misa), ay ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre o unang Linggo ng Pentekostes bilang paggunita sa lahat ng santo o banal, kilala o hindi.

Ang ika-31 ng Oktubre naman ay tinatawag na Halloween sa Ingles, katumbas ng “Ang Bisperas ng Todos los Santos” o “Gabi ng Pangangaluluwa.”

Ang Todos los Santos ay isa ring pormulang Kristiyano na humuhingi ng tulong sa lahat ng santo at martir, kilala o hindi. Sa Pilipinas, palasak na tinatawag itong Araw ng mga PatayPista ng Patay, o Undas.

Sa Iglesya Katolika Romana, ang Araw ng Todos los Santos ay parangal sa mga taong nakatamo ng beatipikong pananaw ng kalangitan habang ang sumunod na araw, ang ika-2 ng Nobyembre, ang Araw ng mga Kaluluwa ay paggunita sa lahat ng yumaong na mananampalataya.

Hinihimok ng Simbahang Katoliko ang mga mananampalataya na bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay sa mga sementeryo, memorial park at columbarium tuwing Nobyembre 2, dahil ito ang aktuwal na araw na itinakda para sa mga banal na kaluluwa, na pinaniniwalaang paakyat na sa langit. Ang tradisyong ito ay sinimulan ng Simbahan noong ika-11 siglo at ibinatay sa mga paniniwala na ang pananalangin dito sa lupa ay nakatutulong upang malinis sa mga kasalanan ang kaluluwa ng mga namayapa. Nagdadaos din ng mga misa at novena upang maibsan ang kung sakali man ay pagdurusa ng kaluluwa.

Maraming Pilipino ang ipinagpapatuloy ang paggunita sa Todos Los Santos; dumadalo sila sa misa at ginugugol ang oras sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay upang manalangin, mag-alay ng mga bulaklak, magdasal ng rosaryo, magsindi ng kandila, at magbahagi ng mga kuwento sa mga kaanak at kaibigan.

Nagluluto rin ang mga Pilipino ng mga espesyal na pagkain para sa Hallowmas o ang tatlong pagdiriwang—Bisperas ng Todos Los Santos, at Araw ng mga Kaluluwa—at karamihang gawa sa malagkit na kanin ang mga ito, gaya ng suman sa ibos, suman sa lihiya, palitaw, arroz valenciana, ginatan, at suman latik. Gaya sa mga pista, sa mga probinsya ay binubuksan nila ang kani-kanilang tahanan para ibahagi ang kanilang pagkain sa mga kamag-anak at mga kaibigan.

 

Source: Wikipedia

L'articolo Ano ang tinatawag na Todos los Santos? Paano ito ginugunita ng mga Pilipino? sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

3 flights linggo-linggo mula Malpensa via Kuwait City simula Oktubre

$
0
0

Tatlong flights linggo-linggo mula Milan Malpensa via Kuwait City ang lipad ng Kuwait Airways simula Oktubre 2018.

Sa pagbubukas ng Milan Malpensa airport, bilang karagdagan sa Roma Fiumicino, sa unang unang pag­kakataon ay ikokonekta araw-araw ng Kuwait Airways ang Italya sa Maynila, via Kuwait.

Mayroong flight mula sa Milan Malpensa 3 beses sa isang ling­go: Lunes, Huwebes at Sabado ng alas 2: 00 ng hapon at da­dating sa Manila ng alas 4:25 ng hapon sa susunod na araw.

Samantala ang lingguhang flight naman mula sa Roma ay apat: Martes, Miyerkules, Biyernes at Linggo ng ala 1:20 ng hapon at dadating sa Maynila ng alas 4:25 ng hapon sa susunod na araw.

Ang  Misyon:

Ang aming unang layunin ay ang magbigay ng isang mataas na kalidad na serbisyo at gawing natatanging karanasan ang paglalakbay ng lahat sa Kuwait Airways. Sa mabilis na pagdami ng mga malalayong destinasyon, ang entertainment sa eroplano ay ginawang moderno at tradisyunal ang ibinibigay na pagkain. Lahat ay nakatutok sa ikatutuwa ng mga customers. Ang Kuwait Airways ay nagbibigay sa mga travelers ng inobasyon sa maginhawa at eksklusibong serbisyo na may seguridad.

Ang Kuwait Airways ay li­lipad mula sa Italya sakay ng bagong Airbus 330 at mula sa Kuwait hanggang Manila ng bagong Boeing 777-300ER, pa­rehong nagbibigay sa mga pa­sahero ng komportableng biy­ahe ng pinakahuling henera­syon, internasyunal na lutuin, high-tech onboard entertain­ment at 3 kategorya (Economy, Business at First Class).

Economy Class

Ang malaking upuan at ang mas malawak na puwang sa pagitan ng mga ito ay ang dahilan ng pinaka kumportableng upuan kumpara sa lahat ng kasalukuyang economy class. Lahat ng mga ito ay may high technology Panasonic monitor upang matugunan ang pangangailangan ng mga customer.

Business Class

Simulan ang dream travel sa pamamagitan ng aming mga first class na upuan sa bagong B777-300ER. Mas kumportable at mas maluwang na may eksklusibong disenyo, at ganap na naka-recline. Bawat detalye ng mga ito ay aming hinangad upang makarating sa inyong destinasyon ng nakapahinga at naka-relax.

Royal class

Sa RoyalClass ay matatanggap ang luho mula sa mga private cabin ng bagong B777-300ER.

Partikular sa maayang visual effect na may separè upang magarantiya ang maximum privacy habang sa gabi naman ay nagiging isang kumportableng kama kung saan malayang makakapagpahinga.

At hindi dito nagtatapos ang lahat…. Mayroon kaming loyalty program Oasis Club.

Ang pagpapatala sa programa ng mga frequent flyers ay walang bayad na magpapahintulot na mabago ang inyong pananaw sa buhay.

Napakadali ng pagpapatala na matatagpuan sa aming website www.kuwaitairways.com. Ang makaipon ng Miles ay ginawang mas madali at mas mabilis. Ito ay magagamit din sa Kuwait Airways pati na rin sa ibang partners nito. Isang natatanging karanasan sa pagbibiyaheng mayaman sa serbisyo at benepisyo.

 

Maaaring mabili ang mga Kuwait Airways ticket sa www. kuwaitairways.com, o tumawag sa Ticket Reservation Office sa Italya 06 42.364.201, o sa in­yong paboritong travel agency.

Kuwait Airways

Rappresentanza Generale per l’Italia

Via Barberini 11

00187 Roma

Tel. 06 423641 – 06 42364201

Fax 06 4746151

rom@kuwaitairways.com

L'articolo 3 flights linggo-linggo mula Malpensa via Kuwait City simula Oktubre sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Ilang tips kung paano makabuluhang gamitin ang tredicesima

$
0
0

Bago gawin ang shopping list ay kailangang magkaroon ng solid plans kung paano gagamitin ang pinakahihintay na ‘tredicesima’.Narito ang ilang tips.

 

Roma – Ang Disyembre, bukod sa panahon ng pagbibigayan ay panahon din ng mabigat na gastusin. Ito ay panahon ng mga reunions ng mga pamilya at mga kaibigan kasabay ng inaasam-asam sa buong taon, ang pagtanggap ng 13th month pay.

Ngunit bago gawin ang shopping list, sa panahon ng matinding krisis, ay kailangang magkaroon ng solid plans kung paano gagamitin ang pinakahihintay na ‘tredicesima’.

Narito ang ilang tips kung paano ito makabuluhang gamitin:

1. Alamin ang budget 

Kahit pa ‘doble’ ang halagang matatanggap sa buwan ng Disyembre kumpara sa ibang buwan, siguraduhing mananatiling ‘tapat’ sa inyong budget. Italaga ang amount na nais gastusin sa pagdiriwang ng Pasko: maaaring regalo, pagkain o bakasyon, ngunit manatiling tapat sa itinakdang allocation. Tandaang huwag lalampas sa itinakdang halaga at huwag kalimutang kailangang isama sa budget ang usual expenses tulad ng utilities atibapa.

2. Bayaran ang utang

Walang pinaka-angkop na panahon ng pagbabayad ng utang kundi ang Christmas time. Ito ay dahil sa karagdagang cash, ang utang ay mababayaran ng hindi apektado ang usual household expenses. Kung makakaya, doblehin ang halaga ng regular monthly payments. Bukod sa mababawasan ang interes, ito ay isang makabuluhang paraan.

3. Ang Pasko ay panahon din ng pag-iimpok

Para sa mga pinalad, ang Pasko ay panahon ng pagtanggap ng mas malaking halaga kumpara sa ibang buwan. At dahil ang Pasko ay isang beses lamang sa isang taon, para sa ilan ay dapat itong marangyang ipagdiwang. Bakit hindi subukang tingnan ang kabilang aspeto nito? Na ang pagtanggap ng ‘doble salary’ ay isang beses lang din nangyayari sa isang taon. Dahil dito ay kailangang pahalagahan ito at iimpok sa halip na hayaang masayang ang bawat cents nito.

4. Bigyang halaga ang pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo

Hindi porket nagbigay ng mamahaling regalo ay mahalaga na ito. Kadalasan, ang sariling gawa tulad ng pagluluto ng pagkain o pagguhit ng larawan ay higit na nais ng mga mahal sa buhay at kaibigan. Maaari ring alamin ang pangangailangan ng reregaluhan upang sakto ang maibibigay sa kapaskuhan. Samantala, huwag ring sayangin ang mga regalong natanggap sa nakaraan na hindi nagustuhan. Ito ay maaaring i-recycle at maging kapaki-pakinabang sa iba.

5. Piliting mamuhay ng normal, kahit na sa pinaka mahalagang araw ng taon

Kahit pa puno ng salapi ang inyong mga bulsa, maaaring mamuhay ng one-day millionaire sa pagbili ng lahat ng luho at layaw batay sa bugso ng damdamin. Ngunit walang masama kung gagastos para sa sarili at sa mga mahal sa buhay na mananatili sa itinalagang budget. Tandaan, na dapat pa ring mabuhay pagkatapos ng pagdiriwang ng Pasko ay walang dahilan upang gawing butas ang inyong mga bulsa para sa kinabukasan.

PGA

 

L'articolo Ilang tips kung paano makabuluhang gamitin ang tredicesima sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Nakakatawang Pamanhiin tuwing Pasko

$
0
0

Mayroong mga nakakatawang pamanhiin tuwing Pasko na patuloy pa ring pinaniniwalaan kahit na nasa bagong milenyo na at kahit usong uso na ang paggamit ng mga social networks.

At ngayong Kapaskuhan ay marami ang hindi nakakaligtas sa mga superstitious beliefs na ito.

Wala namang masama at wala rin namang masasaktan kung ikukonsidera ang ilan sa mga pamahiing ito, ngunit hindi kaya ang mga ito ang dahilan kung bakit hindi tayo umasenso?

Narito ang ilan sa mga nadiskubre ng akoaypilipino.eu na kinikilalang kakatawang pamanhiin tuwing Pasko sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

  1. Upang magkaroon ng magandang kalusugan buong taon, kumain daw ng mansanas sa bisperas ng Pasko.
  2. Kumain ng plum pudding sa Pasko upang maiwasan ang mawalan ng kaibigan sa susunod na Pasko.
  3. Ang batang pinanganak sa araw ng Pasko ay magkakaroon ng magandang kapalaran.
  4. Malas daw ang pagsusuot ng bagong sapatos sa araw ng Pasko.
  5. Sa Ireland, naniniwala sila na ang pinto sa langit ay nakabukas sa bisperas. Kaya’t ang mamatay sa araw na ito ay diretso sa langit.
  6. Kung kakain ng hilaw na itlog sa umaga ng Pasko, mamalasin.
  7. Ilagay ang mga sapatos nang tabi-tabi sa Pasko upang maiwasan ang pag-aaway sa pamilya.
  8. Kapag maraming bituin sa bisperas ng Pasko, magiging maganda ang ani.
  9. Kung mahangin sa Pasko, ito ay suwerte.
  10. Sa Greece, naniniwala sila na ang pagsunog ng lumang sapatos sa Pasko ay makaiiwas sa kamalasan buong taon.
  11. Sa Sweden, pinaniniwalaan na sa buong araw ng Pasko ang mga masamang duwende ay umaaligid.
  12. Sa England, kapag ang babae ay kumatok sa pinto ng henhouse o pugad ng mga manok, ikakasal siya bago matapos ang taon.
  13. Sumigaw ng “Christmas Gift’ sa unang tao na kakatok sa inyong pinto. Ito raw ay suwerte.
  14. Ang mga ninong at ninang daw na malaking magregalo sa mga inaanak ay magkakaroon ng maraming biyaya. Ang mga nagtitipid naman ay hindi gaanong pagpapalain.

 

L'articolo Nakakatawang Pamanhiin tuwing Pasko sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Narito ang 12 masuwerteng prutas sa pagdiriwang ng Bagong Taon

$
0
0

Ang paglalagay ng mga 12 bilog na prutas sa hapag kailanan sa Bagong Taon ay pinaniniwalaang magdadala ng tiyak na swerte sa 12 buwan ng taon.

Habang ang 2018 ay malapit nang matapos, ang 2019 naman ay papalapit na ng palapit.

Kasabay nito ay mga katanungan kung ano ang mga bagay na maaaring magbago sa kapalaran at magdala ng suwerte sa darating na taon.

Ang tradisyon ng pagkakaroon ng 12 masuwerteng prutas ay naging bahagi ng sambayang Pilipino simula pa noong una.

Ayon sa isang dalubhasang feng shui, mayroong 12 masuwerteng prutas para sa Bagong Taon. Ang pagkakaroon ng mga prutas sa Bagong Taon ay magbibigay umano ng kasaganaan at magandang kapalaran.

Batay sa ulat ng Remate, ang hugis na bilog ay sumisimbolo sa mga barya habang ang bilang na 12 ay sumisimbolo sa mga buwan ng taon.

Iminungkahi ng feng shui ang 12 masuwerteng prutas para sa mas masaganang Bagong Taon.

  1. Apple  – sa Chinese, ang salitang apple ay “ping” na nangangahulugan ng “pagkakasundo”
  2. Avocado  – ang mga kulay ng prutas, berde at kulay-ube, ay sumasagisag sa kasaganaan
  3. Banana  – ang prutas na ito ay sumasagisag sa pagkakaisa habang ang dilaw na kulay ay kumakatawan naman sa kaligayahan.
  4. Grapes  – dahil ang prutas na ito ay madalas na kinakain ng mga royal blood, ito ay sumasagisag sa kayamanan
  5. Lemon – ang likas na amoy nito at lasa ay kilalang nagtataboy sa mga bad vibes
  6. Lychees – ang pulang kulay ay sumisimbolo sa kaligayahan at magandang kapalaran
  7. Mango – ang tamis ng prutas na ito ay kumakatawan sa matatag na relasyon ng pamilya
  8. Orange – ayon sa tradisyon ng mga Chinese, ang kulay nito simbolo ng ginto habang ang hugis na bilog nito ay pera
  9. Papaya – tulad ng orange, ito rin ay kumakatawan sa ginto sa tradisyon ng mga Chinese
  10. Pineapple – Ang salitang Chinese para sa pinya ay “ong-lai” na nangangahulugan ng  kapalaran
  11. Pomelo – ang kulay pula o rosas nito ay nagsisimbolo sa magandang kalusugan
  12. Pakwan – ang prutas at mga buto nito ay sumasagisag sa kasaganaan

L'articolo Narito ang 12 masuwerteng prutas sa pagdiriwang ng Bagong Taon sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.


Araw ng mga Puso, ang pinagmulan

$
0
0

Saan galing ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso? 

 

Ang Araw ng mga Puso ay ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Balentino na ginaganap tuwing Pebrero 14. Sa araw na ito, ipinapahiwatig ng mga magkasintahan at mga mag-asawa ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa. Karaniwang nagpapadala ng mga bulaklak at kard, nagbibigay ng tsokolate, mamahaling regalo, kumakain sa labas o nanonood ng sine. Si San Balentino, ayon sa Katolisismo, ay ang patron ng mga nagmamahalan.

Pinagmulan
Galing ang Araw ng mga Puso sa paganong pagdiriwang ng Lupercalia, ang panahon ng pagpapakasal ng mga Diyos na sina Zeus at Hera. Ipinagdiwang ang Lupercalia noong ika-13 hanggang ika-15 ng Pebrero. Kilala rin ito bilang Pista ng Juno Februa. Noong taong 496, iniutos ni Santo Papa Gelasius I na gawing Kristiyanong ritwal ang mga paganong pagdiriwang kaya’t binigyan ito ng bagong pangalan, ang Valentine’s Day, bilang pagpupugay sa patron nito, si San Balentin.
Ang Valentine’s Day ay ipinagdiriwang ng may inspirasyon at pag-alaala sa dalawang Katolikong santong sina Valentino ng Roma at Valentino ng Terni.

Si Valentino ng Roma ay isang martir na pari. Ipinagbawal noon ni Emperador Claudius II na magpakasal ang mga sundalo ng Roma dahil nakapanghihina daw ito sa mga sundalo na lumalaban sa digmaan. Ngunit, lihim na nagkakasal pa rin si San Valentin ng mga magkakasintahan. Dahil dito, ipinapatay siya noong 270.

Si Valentino ng Terni naman ay isang obispo ng Interamna noong 197, na sinabing pinahirapan at pinatay noong panahon ng pamumuno ni Emperador Aurelian.
Lumitaw ang mga unang papel na pambating tarheta magmula noong mga ika-16 daantaon, na naglalaman ng mga tula ng pagmamahal at mga ginuhit na larawan ni Kupido, ang diyos ng pag-ibig, kasama ng kaniyang pamana at palaso. Naging tanyag ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso noong mga kalagitnaan ng ika-19 daantaon, ang panahon kung kailan ipinakilala sa madla ang mga sangkusing na postahe at mga sobre. (sources: Wikipedia, Wikifilipino)

L'articolo Araw ng mga Puso, ang pinagmulan sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Animal lover ka ba? May alaga ka bang aso?

$
0
0

Sabi ng marami, “Ang aso ang pinaka-loyal na hayop sa balat ng lupa”, minsan higit pang mas matapat kaysa tao”.

Totoo nga naman. Ang aso hindi ka itsitsismis. Hindi ka sasagut-sagutin. Ipagtatanggol ka. Magbabantay sayo ng may kasiyahan. Sasalubungin ka na kumakawag ang buntot. Lulundag sayo. Hahalikan ka na animo buto sa kanyang harapan. Sa madaling salita, kahit paluin mo, LOYAL siya sa iyo!

Kaya sa mga walang anak, mas mainam pang mag-alaga ng aso, kaysa umampon ng tao!

Trabaho.

Ng mag-aplay ako ng trabaho sa isang mayaman pamilya sa Montelupo, unang itinanong sa akin, “Mahilig ka ba sa aso?”Marahil kung nagkamali ako ng sagot sa araw na ‘yon, naghahanap parin ako ng trabaho hanggang sa ngayon.

Lima kami sa bahay”, ang patuloy na pagpapakilala ng aking future employer. “Ako, si Carolina ang aking kabiyak, Lorenzo, Filippo at si PONGO”..Pongo”, naisip ko, pangalan ba yun ng tao? At kanyang tinawag.. POONGGOOOO!!tumatakbong lumapit ang isang Golden Retriever na kumakawag ang buntot. Parang nakangiti at tila kinikilatis kung may kakaibang amoy sa aming paanan. Sinisinghot ang dala naming hangin, ang bitbit namin na anak. Parang sinisugurong kung nagsasabi ba ako ng totoo na mahilig ako sa aso.

Destino.

Si Pongo ay halos kasing edad ng aking anak na si Alexandria. Oktubre 2009 ng magsimula akong magtrabaho sa pamilya Bartolozzi. Di pa lumalabas ang aking dokumento ng panahon na iyon. Kaya kahit all around ang trabaho, todo kudkod, walang puknat na pasipsip.

Lunes hanggang Sabado, sinasalubong ako ng masangsang na amoy ng tae ni Pongo na siya kong nililinis tuwing umaga. Ang nakasusulasok na amoy ng magkahalong dumi at ihi. Nagliligpit ng mga nginatngat na laruan na nagkalat. Hinga ng malalim. Iniipon ko ang pinakamaraming oksiheno (oxygen) sa aking baga. Dahan-dahan ko ito inilalabas habang nililinis ang tulugan ni Pongo. Ganito nagsisimula at nagtatapos ang aking maghapon. Kung may kasabihan na bawal magkasakit, ito naman – “BAWAL MAGSAWA”!, piryud!

Ito lang naman ang parte na hindi ko ikinatutuwa kay Pongo.

Ang unang dalawang taon ng kanyang pagiging tuta. Ganyan daw lahat ng aso. Tinutuklas ang lahat kaya napakakalat. Na kalaunan ay natutunan ko ng ituring na parte talaga ng trabaho.

Ang maliligayang araw ay biglang naunsyami. Akala ko maluwag na. Yun pala biglaang natapos. Masayang ipinakilala ng amo kong babae si Peggy. Nalulungkot daw kasi si Pongo. Walang kasama. Walang kalaro kaya nag-desisiyon sila na ihanap ng ka-partner. Kaya balik ulit sa dati. Nagkalat na naman ang ihi at dumi. Nakasabog na naman ang mga nginangatngat na laruan. Lahat ng maaapuhap ng makating gilagid ng aso. Kaya si Pongo na nadisiplina ko na! Edukado na! Hayun at kasama ng tutang si Peggy sa paggawa ng dagdag na trabaho!

2016 ng madiskubreng may kanser si Pongo. Tila sumaklob ang langit at lupa sa loob ng 490 metro kwadradong Villa. Nanahimik ang hardin na ginagawang maliit na Park ni Pongo at Peggy. Nahinto ang paghuhukay sa mga sulok. Natigil ang pagkakalat ng mga laruan. Pati ako, nabawasan ng sinisigawan para tumigil ang dalawang aso sa pagsira sa mga malalaking Vase ng Rose at Bongabilya.

Sa halip na 2 bata lang ang inihahatid ko sa iskwelahan, nadagdagan ng isa. Dalawang beses isang lingo ay pinapa-chemotherapy si Pongo sa Bologna. “Pati pala aso”, wika ko. Medyo nakaramdam pa nga ako ng pagkalungkot. Una, naisip ko na mabuti pa ang aso dito sa Italya nagagawang maipagamot. Kahit mahal! Pangalawa, pitong taon pa lamang si Pongo. Ano’t napakaikli naman ng kanyang magiging pag-iral sa mundo. Maging si Peggy, ng madiskubring maysakit si Pongo ay tila nakaramdam ng panghihina. Siguro, sadyang malakas ang kanilang pandama. May napapansin sila na di kayang makita ng ating hubad na mata, o ng syensya.

Pasko ng 2017, mahigit 15 tipo ng cake ang inihanda ng aking Employer. Lima dito ay tsokolate. Alas-siyete ng umaga, may sumisigaw… “Ibarra, Ibarraaaaa!! si Peggy, si Peggy..” Nakita namin na nakahandusay sa tabi ng hagdan sa labas. Lawit ang dila. Iba na ang kulay. Wala ng itim sa mata. Nalaman ko na lamang kinain ni Peggy ang halos limang kilong Chocolate Cake na natira. Laking sisi ng aking employer sa sarili. Siya daw kasi ang nag-iwan niyon sa lamesa. Sana daw ay dinala na nila sa doktor ng gabi rin iyon. Para maiba ang atmospera, sinikap ko na magpatawa. ”Wag na kayong malungkot, masaya naman na namatay si Peggy”, biglang umaliwalas ang mga mukha at napatango ang lahat. Kung alam lang siguro ni Peggy na ang sobrang tsokolate at cake ay kanyang ikamamatay, baka hindi niya kainin lahat. O hinatian niya si Pongo. Naisip ko, ito ang kanyang destino.

Pangungulila.

Subalit hindi ang lalaking Bartolozzi.Nasa kalagitnaan ng meeting na kanyang dagling iniwan matapos mabalitaan ang sitwasyon ni Peggy. Nangingilid na antimano ang kanyang luha bumababa pa lamang ng kanyang kotse. Parang bata na humahagulgol ng makita niya si Peggy. Sumambulat ang nakabukol na takot. Di mo kakayanin mapag-iba ang luha at sipon na magkasabay na tumutulo sa kanyang mukha. At para sa kaalaman ng mundo, 3 linggong nagluksa ang amo kong lalaki! Oo, tatlong linggong singkad! Sabi ko sa sarili, “ganito pala sila dito sa Europa”. Kung sa Pinas ‘yan, baka pulutanin pa yan.

Naging madalas na rin ang paroon at parito ni Pongo sa espesyalista. Di ko na mabilang ang gamot na ipinapainom sa kanya. Sinubukan na rin namin ipa acupuncture. Lahat ng igiginhawa ni Pongo, ibinibigay. Pero, sa kabila ng lahat ng kanyang nararamdaman, walang nagbago kay Pongo. Sumasalubong sa tarangkahan. Ihahatid ka niya sa garahe. Aabangan ka sa pagbukas ng pintuan ng iyong kotse. Kahit bumagal, kinakampay pa rin ang kaniyang buntot. Kahit kapansin-pansin ang pagbabago ng dati’y makislap na mata, tila nangungusap ito at nagpapahiwatig ng kagalakan sa iyong pagdating. Ito’y sa kabila na siya’y nangayayat na. Nawala ang tulin sa pagtakbo. Mahina ng kumain.

Diliryo

“Magkapareho kaya ang nararamdaman ng tao at isang aso na parehong may kanser?”

Naiisip ko ito tuwing pinapakain ko si Pongo. Kasi, ni minsan di ko siya narinig na dumaing. O lumikha ng kapansin-pansin ingay para sabihin na may masakit sa kanyang katawan. Minsan nga inaaninag kong mabuti kung ang basa sa kanyang pisngi ay luhang pumapatak sa gabi bago siya matulog. Na di tulad ng tao, oo ng rasyonal na nilalang ng Diyos – ay pumapalahaw, namimilipit at sadyang dumaraing kahit sa simpleng sila ay may lagnat o masakit ang ulo.

Alexandria, tara na. Ihahatid na kita sa iskwela, tawag ko“. Isinukbit ko na ang mabigat na bagpack, nagsuot na ako ng somblero. Samantalang nagmamadali naman isinusuot ni Alexandria ang kanyang uniporme. “Halika, tignan muna natin si Pongo”, aya ko. Sa garahe, kung saan siya pinapatulog, nakita namin si Pongo na nakahiga sa tapat ng pintuan ng kotse ng aking employer. “Pongo, Pongo”.., di siya gumagalaw. “Pongo, yooohhooo, pongo” Walang kaluskos. Di kumakampay ang kanyang buntot. “Patay na si Pongo, kaba ng aking dibdib, dikta ng aking natunghayan”. Di na ako nagtaka sa pwesto at posisyon, bago malagot ang kanyang hininga. Siguro, nais niyang ipaalam, na hanggang sa huli – ang aking employer ang pinili niyang “padrone”. Kahit ako ang nagpapakain sa kanya araw-araw. Kahit sa loob ng mahabang panahon, sa aking pag-babantay siya lumaki.

Sereno.

Mapayapa ang naging pamamaalam ni Pongo”. Ito ang unang salitang namutawi sa bibig ng aking Employer na lalaki. Noon ko lang siya nakita na tahimik. Tila pinipili ang sasabihin. Para bang pinaghandaan na niya ang araw na ito. Darating ng walang paabiso. Lahat ay nagluluksa. Walang tigil ang tawag sa lokal na linya ng aming telepono. Lahat ng kapamilya at kaibigan ay nagpapahayag ng pakikiramay. Lahat ay nagsasabi ng magandang ala-ala ni Pongo. Sa Crematory, kung saan pinagpasyahan ng pamilya na dalhin ang kanyang bangkay. Napansin ko na di magkandatuto ang receptionist sa pagpapaliwanag at pagpeprisinta kung saan kahon at bakit ang kahon na iyon ang maganda. Palagay ko ay naiipit siya sa mga pangyayari. Nabuo ang aking pagtingin na napakahirap ng ganuong klase ng trabaho. Manimbang sa damdamin ng kliyente at kagustuhan makapagbigay ng pinaka-angkop na serbisyo.

Ibarra Banaag

 

L'articolo Animal lover ka ba? May alaga ka bang aso? sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Bakit Mimosa ang ibinibigay sa mga kababaihan tuwing March 8?

$
0
0

Hindi isang pagkakataon lamang ang pagpili sa mimosa bilang simbolo ng Araw ng mga Kababaihan.

 

Ang kulay dilaw na bulaklak o mimosa ay ang simbolo ng Araw ng mga Kababaihan. Kung kaya’t bago magbigay ng isang bungkos na mimosa, alamin muna ang kahulugan kung bakit ito ibinibigay.

Ang mimosa ay isang uri ng halaman na nagmula sa Australia. Dinala ito sa Europa noong simula ng XIX century dahil sa angkop nitong klima. Ito ay namumukadkad sa pagtatapos ng winter o taglamig. Ang maputlang pagkadilaw nito ay tila nagtataboy sa kulimlim ng taglamig at naghahasik ng kagalakang hatid ng tagsibol.

Gayunpama, ayon sa American Indians, ang bulaklak na mimosa ay sumasagisag sa kapangyarihan at pagkababae. At samakatwid, hindi isang pagkakataon ang pagpili dito bilang simbolo ng Araw ng Kababaihan: sa katunayan, hindi laming dahil sa pamumukadkad nito sa pagasapit ng March 8 bagkus pati na rin sa sagisag nito.

Ang mimosa, sa katunayan, ay piniling bulaklak upang gunitain ang mga mangagawang kababaihan na binawian ng buhay sa sunog sa isang pabrika sa New York kung saan sila nagta-trabaho. Ito ay naganap noong March 8, 1908.

Noong 1946 ay pinili ng UDI o Union of Italian Women ang mimosa bilang perpektong bulaklak na kumakatawan sa pagdiriwang. Sa katunayan, bukod sa ito ay isang uri ng bulaklak na madaling tumubo sa maraming bahagi ng Italya, ang mimosa ay mura at madaling isabit ang munting sanga nito sa blouse o blazer.

L'articolo Bakit Mimosa ang ibinibigay sa mga kababaihan tuwing March 8? sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

International Women’s Day, kasaysayan ng pagdiriwang

$
0
0

Ginanap ang International Women’s Year noong 1975 ng United Nations at noong 1977 ay opisyal namang inihayag ang taunang pagbubunyi sa kanilang karapatan at kinilala bilang International Women’s Day.

 

Roma – Ang International Women’s Day ay unang ipinagdiwang noong Marso 19 (hindi ang Marso 8 ng kasalukuyan), 1911. Ang isang milyong kababaihan at kalalakihan ay nagsagawa ng malaking demonstrasyon bilang suporta sa mga kababaihan sa kanilang karapatan sa unang International Women’s Day.

Ang ideya ng isang International Women’s Day ay nagmula sa America’s National Women’s Day, pinagdiwang noong Pebrero 28, 1909, na ipinahayag sa pamamagitan ng Partido Sosyalista ng Amerika.

Noong sumunod na taon, ang Socialist International ay nagpulong sa Denmark upang aprubahan ang ideya ng isang International Women’s Day. At ng sumunod na taon, ang unang selebrasyon ng International Women’s Day, unang tinawag na International Working Women’s Day at ginanap ang mga demonstrasyon sa Denmark, Germany, Switzerland, at Austria.

Matapos ang isang linggo ng unang International Women’s Day, ang sunog sa Triangle Shirtwaist Factory sa New York City ay pumatay ng 146, halos lahat ay mga kabataang babaeng imigrante. Ang aksidente ay naging daan ng maraming pagbabago pang-industriyang kalagayan sa trabaho, at ang memorya ng mga taong nagbuwis ng buhay ay madalas na malaki ang bahagi sa mga pagdiriwang ng International Women’s Day mula noon.

Ang unang pagdiriwang ng International Women’s Day ay naganap sa Russia noong Pebrero 1913.

Noong 1914, sa pagputok ng World War I, ang Marso 8 ay isang araw ng demonstrasyon ng mga kababaihan laban sa digmaan, o isang pagkakataon ng mga kababaihan sa pagpapahayag ng mga internasyonal na pagkakaisa sa oras na iyon ng digmaan.

Noong 1917, mula Pebrero 23 hanggang Marso 8, sa Western calendar, ang mga kababaihan sa Russia ay nag-organisa ng isang welga, na naging susi ng simula ng pagbagsak ng czar.

Ang okasyon ay lalong naging popular sa maraming taon sa Silangang Europa at sa Union Soviet. Unti-unti, ito ay naging ganap na isang tunay na internasyonal na pagdiriwang.

Ang United Nations ay ginanap ang International Women’s Year noong 1975, at noong 1977, ang United Nations ay opisyal na inihayag ang taunang pagbubunyi sa mga kababaihan ng kanilang karapatan at kinilala bilang International Women’s Day, ang araw bilang pagninilay sa naging progreso, bilang tawag sa isang pagbabago at bilang pagdiriwang sa tapang at determinasyon ng mga pangkaraniwang kababaihan na nagkaroon ng mahalagang papel sa kasaysayan ng karapatan ng mga kababaihan.

L'articolo International Women’s Day, kasaysayan ng pagdiriwang sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Tips Iwas Problema o Abala sa panahon ng mahigpit na kontrol sa mga dayuhan sa Italya

$
0
0

Sa panahon ng mahigpit na kontrol sa mga dayuhan sa Italya, narito ang ilang tips upang maiwasan ang problema, ang abala sa trabaho at maging matiwasay ang panananatili sa bansa.

Mahalagang alam ang mga Karapatan at Tungkulin. Pag-aralan ang mga batas sa Migrasyon o magtanong sa awtoridad, mga abogado at ilang nakaka-alam ng batas. Kung mahirap at kakain ito ng panahon, narito ang ilang simpleng pamamaraan.

  1. Palagiang magdala ng balidong dokumento tulad ng Carta/Permesso di Soggiorno, Carta Identita at iba pang kinikilalang ID ng Italian Authority;
  2. Iwasang masangkot ang sarili sa krimen, sa kaguluhan, anumang uri ng panloloko, pangangalakal ng droga at mga anti-sosyal na aktibidad;
  3. Tiyakin na nakapagbabayad ng buwis o ang tinatawag na dichiarazione dei redditi (730 o modello unico). Bukod sa pagtitiyak na binabayaran ka sa INPS ng iyong employer;
  4. Huwag magmamaneho na lango sa alak, baka ma-kontrol at mabigyan ng parusa ( house arrests) bukod sa multa; Siguraduhin din ang pagkakaroon ng balidong driver’s license.
  5. Siguraduhin na palaging nasa ayos o updated ang mga dokumento. Hindi lamang sa panahon na uuwi ng Pilipinas o mamamasyal sa ibang bansa. Lalong higit ang mga tala (rekord/papeles) ng mga anak na menor de edad;
  6. Sikapin na matutunan ang lengwahe ng Host Country at maka-angkop (integrate) sa kanilang kultura na sinasaad sa Accordo di Integrazione bilang rekisitos para manatili ng 16 na puntos na sinasaad sa kasunduan;
  7. Iwasan na mag-iinom, lumikha ng ingay sa mga pampublikong lugar at sasakyan tulad ng piazza, tren, bus,ristorante, barko na maaring pagsimulan ng kaso;
  8. Iwasang sumakay ng public transportation na walang angkop na tiket o biglietto. Ang pagamit ng wastong tiket ay isang obligasyong ng lahat ng gumagamit ng transportasyong publiko.
  9. Maging magalang kapag may kontrol. Ipakita ang dokumento at sumagot ng kalmado. Anumang dokumento ay dapat ibalik pagkatapos ng pagsisiyasat na ginawa ng awtoridad;
  10. Huwag basta maniwala sa mga tao na nangangako na mabibigyan ng dokumento kapalit ng malaking halaga. Magbasa ng mga opisyal na pahayag hinggil sa amnestiya or sponsorship. May kasabihan, “ang naglalakad ng matukin kung matinik ay malalim”.
  11. Iwasan maniwala ng basta-basta sa sabi-sabi o kuro-kuro kung wala naman pinagbabatayan. Ang karanasan ni Kulaso ay maaring iba ng kay Kulasa. Sumangguni sa mga official site ng mga Departamento ng Gobyerno ng Italya at Pilipinas maging sa mga mga opisyal na pahayagan kung saan inilalathala ang kanilang mga anunsyo;
  12. Magbasa palagi ng Ako ay Pilipino, dumalo sa mga Forum, Symposium, Seminar na ipinapatawag ng mga rehistradong organisasyon. Makinig, mag-aral at magsuri.

Sa panahon na naghihigpit ang Gobyerno ng Italya sa lahat ng estranghero, mangagawa man o turista; ngayon na ang teknolohiya ay mabisang instrumento sa pagsubaybay sa galaw at dokumentasyon ng mga dayuhan.. HUWAG ipagwalang bahala ang mga bagay na importante.

Tandaan, lahat ng kabulastugan at/o pagpapabaya ay may paniningil rin sa takdang panahon.

 

Ibarra Banaag

 

 

L'articolo Tips Iwas Problema o Abala sa panahon ng mahigpit na kontrol sa mga dayuhan sa Italya sembra essere il primo su Ako Ay Pilipino.

Viewing all 125 articles
Browse latest View live